Patuloy na magpapaulan ang dalawang weather systems sa maraming parte ng bansa ngayong araw ng Martes ayon sa state weather bureau.
Makakaapekto sa Mindanao at Palawan ang intertropical convergence zone (ITCZ) na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan, Zamboanga Peninsula at Western Visayas.
Parehong lagay ng panahon ang iiral sa Batanes at Babuyan islands dahil sa frontal system.
Ibinabala naman na posibleng maranasan sa nasabing mga lugar ang baha at pagguho ng lupa kayat pinag-iingat ang publiko.
Samantala, inaasahan naman na magdudulot ng isolated rain showers ang ITCZ sa nalalabing parte ng Mindanao.
Habang sa Metro Manila at nalalabing parte ng bansa ay makakaranas ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa epekto ng easterlies.