BAGUIO CITY – Nakatakdang lumaban ngayon buwan ng Hunyo ang dalawang undefeated boxing sensations ng lalawigan ng Ifugao.

Lalaban si KJ Natuplag para sa isang championship title sa June 15 sa Davao City.

Makakaharap ng 22-anyos na Igorot boxer si Joe Tejones ng Valencia City para sa titulong Global Boxing Organization – Asia Pacific Junior Lightweight Champion.

Hawak ni Natuplag ang record na 8 wins na may 7 knockouts habang hawak naman ni Tejones ang record na 12 wins na may 7 knockouts at 6 loss.

Samantala, makakaharap naman ni Carl Jammes Martin ang isa sa mga promising boxer ng India na si Rakesh Lohchab sa June 9 sa Pasay City.

Hawak ng 20-anyos na Igorot boxer ang record na 12 wins na may 11 knockouts habang impresibo rin ang record ni Lohchab na 6 wins na may 2 knockouts.

Sa ngayon hawak ni Martin ang tatlong championship belts.