ILOILO CITY – Sumabog ang granadang dala ng magpinsan matapos tangkaing nakawan ang isang truck sa Brgy. Merced, Banate, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay P/Cpt. Genesis Roque, hepe ng Banate Municipal Police Station, sinabi nitong sumabog ang granadang bitbit nina Richard at Antonio Canaway habang ginagawa nila ang nasabing krimen.

Sugatan sa kanyang kanang kamay si Richard na kusang pumunta sa pinakamalapit na hospital habang maswerte namang hindi nasugatan ang kanyang pinsan.

Sa ngayon patuloy na ginagamot sa ospital si Richard at arestado naman ang kanyang pinsan.