Dalawang suicide bombing mission pa ang mino monitor ngayon ng militar sa Western Mindanao.
Ito ang pag-aamin ni Wesmincom commander Lt.Gen. Cirilito Sobejana.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Sobejana, sinabi nito na batay sa nakuha nilang intelligence report limang suicide bombers ang inatasang magsagawa ng suicide bombing mission ang kanilang mino monitor ngayon.
Ayon kay Sobejana sa limang suicide bombers tatlo na ang nakapagsagawa ng kanilang suicide bombing mission.
Nangyari ang unang suicide bombing mission nuong June 28 sa harap ng kampo ng 1st Combat Brigade Team sa Indanan kung saan kabilang dito ang Pinoy bomber na si Norman Lasuca at unidentified pa hanggang sa ngayon ang isa pang bomber.
Kahapon isinagawa ng ikatlong suicide bomber ang kaniyang misyon na pinangunahan ng babaeng caucasian-looking.
Ayon kay Sobejana grupo ni ISIS inspired ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan ang nasa likod ng mga suicide bombing missions.
Layon kasi ng grupo na makakuha ng malaking pondo mula sa intenational terror group.
Iisang signature ng IED ang ginamit ng mga suicide bombers sa kanilang pag atake at ito ay ang Pipe bomb.
Isinailalim na rin sa DNA testing ang nakuhang ilang piraso ng katawan para matukoy ang identity at nationality ng suicide bomber.
Ayon kay Sobejana inaalam na rin nila kung ang babaeng caucasian-looking na suicide bomber ang napaulat na Egyptian na nakapasok sa bansa at kabilang sa pitong foreign terrorists na nasa Mindanao ngayon.
” Kasi lima man yung nakita natin, our intel effort nacheck namin na may lima, tapos may lumabas ngayon picture din na lima din so na-coincide yung figure so tatlo na yun out of the five, yung sumabog, so dalawa yung tinitingnan ngayon kung saan na, pero nandito lang sa, walang problema nasa loob lang ng area of responsibility of western mindanao command and we dont want to have some, yung magkaroon ng spillover, gusto naming maano lang dito, kaya sinisikap nating maenclose itong grupo para hindi na sila makapinsala pa ng malaki, at ang kagandahan out of our experience sa ganung klaseng bombing,” pahayag ni Lt.Gen. Sobejana.
Nag level-up na rin sa ngayon ang tactics,techniques and procedure ng militar kaya hindi na nagkaroon pa ng casualties at fatalities sa hanay ng militar at sibilyan.
Sa nangyaring pagsabog kahapon sa Sulu tanging ang suicide bomber lang ang fatality.