Sugatan ang magpinsan matapos ang pagkalas ng ride sa isang peryahan sa Limay, Bataan.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad lumalabas na mabilis ang ikot ng rides ng biglang natanggal ang isang cart sa pagkakapit.

Tumilapon ang mga biktimang sina Angel Espino at Warren Beticon na nagtamo ng pilay sa braso at ilang bahagi ng katawan.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nasabing insidente.