LA UNION – Inaresto ng mga kasapi ng Sto Tomas Police ang tatlong indibidual na kinabibilangan ng dalawang senior citizen at isang binata, matapos maaktuhan ng mga otoridad na nagsusugal ng tinatawag na tong-it sa Barangay Malabago, Sto Tomas, La Union.

Base sa report, ang mga inaresto ay isang 63-anyos na lolo, 70-anyos na lola, at 30-anyos na binata, mga residente ng Barangay Raois at Malabago sa naturang bayan.

-- Advertisement --

Kinumpiska din ng mga otoridad ang isang set ng playing card at bet money na aabot sa P523.00

Ang mga suspek ay pinalaya din matapos makapagbayad ng kaukulang multa.