-- Advertisements --
Lumutang at sumuko na rin ang dalawa sa tatlong convicted sa Chiong sisters rape-slay case na napalaya kasunod ng kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sina Ariel Balansag at Alberto Caño ay hawak na ng Bureau of Corrections (BuCor).
Una ng iniutos noong Miyerkules ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuko ng lahat ng mga convicted criminals na nakinabang sa GCTA Law sa loob ng 15 bago sila ideklarang wanted o fugitives sa batas.
Batay sa record ng PNP, nasa 36 na ang kabuuang bilang ng mga napalayang convicts mula sa halos 2,000 ang sumuko matapos ang direktiba ni Pangulong Duterte.