-- Advertisements --
Patay ang isang lalaki na hinihinalang magnanakaw habang sugatan ang 2 pulis matapos na sila ay magka-engkuwentro sa Barangay Payatas, Quezon City.
Sinabi ni Police Staff Sgt. Jonathan Lugo, ng Quezon City Police District Station 6, nagsumbong sa kanilang ang ilang residente na may dalawang lalaki ang nagtangkang pumasok sa ilang kabahayan.
Agad na nagresponde ang mga kapulisan, nakatakas ang isang suspek habang ang isa ay nagawang pagsasaksakin ang dalawang pulis kaya napilitang barilin ng mga pulis ito.
Nagtamo ng sugat sa kamay at hita si Police Capt. John Versoza habang galos sa mukha naman ang natamo ni Police Capt. Rocky Opiana.
Inaalam pa ng mga kapulisan ang pagkakakilalan ng napatay na suspek.
















