CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng casing and surveillance operation ang dalawang pulis na nasawi sa barilan sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Police Chief Master Sergeant (PCMS) Fletcherlyn Dominic Pido at Police Staff Sergeant (PSSG) Arman Bada na makatalaga sa Kidapawan City PNP Intelligence section.
Nasawi rin ang magkapatid na sina John Kevin Papna,26 anyos at Jerson Rey Papna,35,mga negosyante at residente ng Purok 1 Barangay Bialong M’lang Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na habang kinompronta ng dalawang pulis ang magkapatid ay bigla itong nanlaban na humantong sa barilan.
Kinomperma ni Colonel Villar na si Jerson Rey Dulana Papna alyas Kurata na isang negosyante ay may warrant of arrest sa paglabag sa Article 248 of the Revised Penal Code (Murder) na inisyu ni Honorable Jose Tanalgo Tabosares, Presiding Judge ng RTC 12, Branch 23 sa Kidapawan City.
Si Jerson Papna ay suspek rin sa pamamaril patay kay PO2 Lovelle Tan ng M’lang MPS noong Pebrero 27,2017 at Aldrin Tangonan Jr noong Oktubre 21,2020.
Kasabwat rin umano ni Jerson ang kanyang kapatid na si John Kevin Papna.
Binigyang diin ni Cotabato Police Provincial Deputy Director Lt Col Bernard Tayong na may koordinasyon ang Kidapawan City PNP sa isinagawang manhunt operation at nilinaw na lehitimong operasyon ang isinagawa ng dalawang mga pulis.
Samantala,saludo si Colonel Villar sa ipinakitang kagitingan ng dalawang pulis at nakikiramay sa kanilang mga naulilang pamilya.
Nilinaw ni Villar na ang nangyari ay legitimate police operation at hindi assassination o para patayin ang magkapatid,nagkataon lang anyang nanlaban ang mga suspek at dumipensa lamang ang dalawang pulis