Reading Time: 1 minute

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Army ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng kapulisan at pinaniniwalaang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Tula-Tula, Magallanes, Sorsogon.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay 9th Division Public Affairs Office (DPAO) Chief Major Ricky Aguilar, nagsasagawa ng test mission ang mga miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) sa bayan ng maka-engkwentro ang mga rebelde.

Sugatan sa insidente sina Patrolman Abdullajid Anni at Patrolman Kenneth Bautista habang hindi pa mabatid kung may nasugatan sa hanay ng pinaniniwalaang NPA.

Maging ang pulisya ay wala pang ipinapalabas na detalye kaugnay ng insidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Samantala, nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang militar para sa posibleng pagkaka aresto ng mga responsable sa insidente.