Kapwa nagwagi ang mga Filipino boxers sa mga laban nila na ginanap sa Rizal.

Tinapos lamang ng hanggang dalawang round ni Denver Cuello ang laban niya kay Indonesian boxer Jack Amisa para makuha ang bakanteng Asian Boxing Federation (ABF) Bantamweight Belt.

Nagtapos rin sa TKO sa ikaapat na round panalo ni dating WBC flyweight world champion Sonny Boy Jaro laban kay Boido Simanjuntak ng Indonesia.

Nakuha naman ng Pinay boxer na si Carleans “Chay” Rivas ang bakanteng GAB Philippines Female Flyweight Championship matapos talunin si Floryvic Montero ng Angeles City, Pampanga.