LAOAG CITY – Patay ang dalawang menor de edad matapos sumalpok ang sinakyan nilang motorsiklo sa isang dump truck sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Brgy. Magnuang, lungsod ng Batac, Ilocos Norte.

Nakilala ang mga biktima na sina John Lloyd Badua at Christian Roy Moises Miguel, parehong menor de edad at residente sila sa Barangay Quiling Norte sa Batac.

Ayon sa ina ni Miguel, nagpaalam ang anak nito na pupunta sila sa Poblacion pero nagulat ito nang makita sa Facebook ang nangyaring disgrasya kung saan nakilala lamang ang dahil sa kanyang damit dahil nagkawatak-watak ang katawan nito habang ang kasama nitong si Miguel ay pumailalim sa truck.

Sinabi naman sa driver ng truck na si Allen Steven Bartolome, 34, taga Barangay 6, Parot sa Vintar, Ilocos Norte, habang pasilangang direksyon ay nakasalubong nito ang napakabilis na motorsiklo.

Aniya, nagpreno ito at inilihis ang minamanehong truck subalit napunta pa rin ang motorsiklo sa kanyang linya na nagresulta sa nangyaring nakakikilabot na aksidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here