Patay ang dalawang katao matapos ang naganap na pamamaril sa West Freeway Church of Christ sa White Settlement, Texas.

Sinabi ni Forth Worth Fire Department spokesman Mike Drivdahl kabilang sa nasawi ang suspek.

Sa unang pagresponde ng mga kapulisan ay nakita nila ang tatlong katao na nakahandusay sa lugar.

Agad na dinala ang mga ito sa pagamutan subalit namatay ang dalawa.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Texas Gov. Greg Abbott sa mga kaanak ng mga biktima.

Nangyari ang insidente dalawang taon matapos ang pamamaril sa isang simbahan sa Sutherland Springs, hindi kalayuan sa lugar na ikinasawi ng 26 na katao.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.