PNP iloilo
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Dalawa patay, habang dalawa naman ang kritikal matapos nagsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Jibolo, Janiuay, Iloilo.

Ang eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Master Sergeant Eddie Roncal, imbestigador ng Janiuay Municipal Police Station, sinabi nito na papauwi na sana ang mag-asawang sina John Marino, at misis nito na si Analyn Marino sa Barangay Jibolo.

Habang ang mag-amang Mark Joseph Ajino at ang angkas ama nito na si Josefino Ajino 50 ay papauwi na sa Barangay Cahaguichican, Pototan, Iloilo.

Ayon sa imbestigador, nag-overtake Ajino sa isang traysikel dahilan ng pagsalpukan nila ng motorsiklo lulan ang mag-asawang Marino kung saan namatay ang mister.

Napag-alaman na na nawasak pa ang bahagi ng ulo ni Josefino Ajino na dahilan ng kanyang pagpanaw.

-- Advertisement --