CENTRAL MINDANAO – Dalawang katao ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa panghahagis ng granada sa isang bahay sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Parido Matabalao at Zahara Matabalao.

-- Advertisement --

Sugatan naman sina Pendi Matabalao at Sarfia Matabalao, mga residente sa Purok Tamlang, Barangay Masulot, Sultan Sabarongis, Maguindanao.

Sinabi ni Captain Abdulgapor Butlangan, chief of police ng Sultan Sabarongis, Maguindanao na dalawang hindi kilalang suspek na lulan sa isang motorsiklo ang naghagis ng granada sa tahanan ng mga biktima.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib ng bayan ng Sultan Sabarongis.

Patay on the spot ang dalawa sa mga biktima habang naisugod naman ang dalawang iba pa sa Maguindanao Provincial Hospital.

Umano’y isyu sa rido o alitan sa pamilya ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa panghahagis ng granada sa bahay ng mga biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.