-- Advertisements --

(Update) Umaabot na sa 21 katao ang namatay matapos ang pamamaril sa isang elementary school sa Texas.

Kabilang sa nasawi ang 18-anyos na suspek na namaril sa Robb Elementary School.

Pawang mga mag-aaral ang namatay at isang guro.

Kaugnay nito, iginiit ni US President Joe Biden ang kahalagahan ng “common-sense gun laws” sa kanilang bansa.

Aniya, hindi lahat ng trahedya ay mapipigilan, ngunit ang mga batas na ito ay maaaring magkaroon ng positibong epekto.

Ayon kay Biden, sawa na at pagod na siya sa paulit-ulit na nangyayaring pamamaril sa kanilang bansa.

Tinawag niyang “isa pang masaker” sa US ang mass shooting sa Robb Elementary School sa Uvalde, Texas na ikinamatay ng 19 bata at isang guro.

Nanawagan ang pangulo sa kanilang bansa na ipagdasal ang mga biktima at “tumayo sa gun lobby” sa pagtatapos ng mga kaganapan ngayon.

Nagtaka rin siya kung bakit laganap ang mass shooting sa America.

Dahil dito, sinabi ni Biden na oras na para “gumawa ang aksiyon dulot ng sakit na ibinigay nito ” para sa mga magulang at mamamayan ng US.

Magugunitang, umakyat na sa 21 ang namatay sa nangyaring pamamaril sa loob ng paaralan.

Lumabas sa imbestigasyon na unang binaril ng 18-anyos na suspek na lalaki ang kaniyang lola bago ito namaril sa loob ng paaralan.

Kabilang sa namatay ang suspek.