Sumuko na umano sa mga Bureau of Corrections ang dalawa pang mga convicted sa Chiong Sisters rape-slay case.

Batay sa impormasyong natanggap ni Department of Justice Usec. Markk Perete, sumuko na rin sina Josman Aznar at James Anthony Uy dakong alas-6:30 ng Miyerkules ng gabi.

Sina Uy, Aznar at limang iba pa ay nahatulang guilty noong dekada 90 dahil sa paggahasa at pagpatay sa magkapatid na sina Jacqueline at Marijoy Chiong.

Ang isa sa mga suspek na si Francisco Juan “Paco” Larrañaga ay pinagsisilbihan ang kanyang sentensya sa Spain dahil sa kanyang dual citizenship.

Una nang sumuko sa mga kinauukulan ang iba pang mga convicts sa kaso na sina Ariel Balasag at Alberto Caño.