Kabilang ang dalawang matataas na opisyal ang nakakuha ng mga bagong pwesto sa naging reorganisasyon ng Philippine National Police (PNP) na siyang nakakuha ng mga bagong posisyon sa loob ng organisasyon.
Isinapubliko na ngayong Biyernes ang pagkakatalaga kay PBGen. Wilson Lopez bilang bagong Directorate for Intelligence na siyang dating Deputy Director ng naturang opisina.
Pinalitan ni Lopez si PMGen. Westrimundo Obinque na siya namang itinalaga ngayon bilang Director of National Police Training Institute.
Ang reorganisasyon ay naging epektibo nitong Hunyo 4 sa ilalim ng liderato ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III.
Samantala, nauna na dito ay nagbigay na ng pahiwatig ang hepe kung sino ang susunod na mamumuno sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na naiwan naman nitong posisyon nang maluklok bilang bagong hepe ng organisasyon.
Ibinaling kasi ng hepe ang atensyon nito kay Police Regional Office (PRO) 3 Director at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo matapos na matanong kung sino na ang hahalili sa kaniya bilang lider ng CIDG.
Kung papalarin naman na mapili bilang sususnod na lider ng yunit, isa lamang ito sa mganaging promosyon ng tagapagsalita bilang pulis at opisyal ng PNP.
Gayunpaman ay wala pang direktang kompirmasyon mula sa hepe at inihayag na hintayin na lamang ang magiging kautusan hinggil dito.