-- Advertisements --
MAYOR SUZETTE ALQUISADA PICTURE

ILOILO CITY – Umabot na sa 18 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Iloilo.

Ito ay matapos nagpositibo sa nasabing virus ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa bayan ng Tigbauan, Iloilo.

Ayon kay Tigbauan Iloilo Mayor Suzette Alquisada, dumating sa kanilang bayan ang naturang OFW’s noong Abril 9 at isinailalim sa swab test noong Abril 10.

Dagdag pa ni Alquisada, nanatiling asymptomatic ang dalawa at patuloy na sinisiyasat sa isang quarantined facility.

Wala rin umanong nakasalamuha ang dalawa dahil mahigpit na ipinatupad ang isolation mula nang dumating ang mga ito sa nasabing bayan.