CAUAYAN CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang isang tindero,habang sugatan ang isa pa matapos na maaksidente sa lansangan na nasasakupan ng Batal,Santiago City.

Ang nasa kritikal nakondisyon ay si Benjamin Renalioso, 49-anyos, isang vendor, driver ng motorsiklo at sugatan ang anak na si Felimen,13 anyos.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan,galing ang mag-ama sa kanilang mga kamag-anak ng habulin sila ng nakaalitan ni Benjamin sanhi para magmaneho ito ng mabilis na nagresulta naman ng pagkakatumba nila sa pakurbadang bahagi ng daan.

Agad naman dinala sa pagamutan ang mag ama upang malapatan ng lunas matapos na dumausdos at matangal ang isang tenga ni Benjamin.

Patuloy na sinisiyasat ng mga otoridad ang pangyayari at pinaghahanap naang pinaghihinalaang humabol sa mag-amang biktima.