NAGA CITY – Nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang dalawang menor de edad na umano’y suapek sa carnapping incident sa Barangay Tongko, Tayabas City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office(QPPO), nabatid na napansin na lamang ng biktimang si Ronniel Maulion, 39-anyos na nawawala na ang kanyang tricycle na nakaparada sa harap mismo ng kanilang bahay.

Kaugnay nito, agad naman itong humingi ng tulong sa pulisya.

Pinaniniwalaan ng nasabing biktima na kinuha ito ng dalawang menor de edad na may edad na 15-anyos at 14-anyos.

Samanatala, natunton nmn ang nasabing tricycle sa Barangy Gulang-Gulang, Lucena City, kung saan nahuli ng mga otoridad ang nasabing mga suspect na agad ding itinurn over sa CSWDO.