CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli ng mga pulis ang 23-anyos na lalake na gumahasa sa kaniyang dalawang sariling pamangkin sa bahagi ng Barangay Puerto, lungsod ng Cagayan de Oro.

Ayon kay Cagayan de Oro City Police Office (CocPO) spokesperson PMaj. Ivan Viñas, nangyari ang panggagahasa sa loob ng bahay habang ipinapatupad ang general community quarantine sa siyudad.

Sinabi ni Viñas na maraming beses na raw nitong pinagsamantalahan ang kaniyang mga pamangkin na may edad na 9 at 10-anyos.

Inamin din ng suspek na kagagahasa lang nito sa isa sa mga biktima noong Mayo 2 dakong alas-2:40 ng hapon.

Agad namang nakapagsumbong ang biktima kaya kumilos na agad ang mga otoridad para madakip si Viñas.

Sa ngayon, nasa bilangguan na ang suspek at nahaharap sa patong-patong na kaso.