-- Advertisements --

Dalawang malalakas na magnitude 6.6 at 7.5 na lindol ang yumanig malapit sa baybayin ng rehiyon ng Kamchatka sa silangang bahagi ng Russia nitong Linggo, ayon sa German Research Centre for Geosciences (GFZ).

Ang unang lindol ay naitala sa lalim na 10 kilometro, na orihinal na iniulat na may lakas na 6.2. Sumunod dito ang isa pang lindol na may 7.5 magnitude.

Naramdaman ang pagyanig nang halos isang minuto, dahilan para maglabasan ang mga tao sa mga gusali. Agad namang nagtaas ng alerto ang mga lokal na pamahalaan sa lugar.

Dahil dito ibinabala ng Russia’s TASS news agency, ang mga taas ng alon na maaaring umaabot hanggang 60 centimeter sa Aleutsky District ng Commander Islands.

Habang sa Ust-Kamchatsky region, maaaring umabot ito sa 40 centimeter, habang sa Petropavlovsk-Kamchatsky, naman ay maaaring umabot hanggang 15 centimeter.

Samantala, inalis na ng Pacific Tsunami Warning Center ang banta ng tsunami sa Kamchatka Peninsula matapos ang dalawang lindol.

Habang wala namang naitalang naiulat na pinsala at nasaktan sa naganap na lindol.