-- Advertisements --
Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang naganap na magnitude 7.5 na lindol sa silangang baybayin ng Kamchatka, Russia nitong Linggo ng hapon.
Ayon sa advisory ng Phivolcs, naitala ang lindol bandang 2:49 ng hapon (oras sa Pilipinas), at may lalim na 77 kilometro.
Bagamat posibleng magkaroon ng mapanganib na tsunami sa mga baybaying nasa 300 kilometro mula sa epicenter ng lindol, nilinaw ng ahensya na walang banta ng mapaminsalang tsunami sa Pilipinas.