-- Advertisements --
Kararating lamang sa bansa ang karagdagang 2 million doses ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines.
Kaninang umaga lang nang dumating ang vaccine na binili ng Pilipinas mula Beijing, China gamit ang Philippine Airlines.
Personal namang sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez Jr sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pagdating ng mga bakuna.
Dumating ito dakong alas-7:00 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Mula NAIA, dinala na ang mga vaccine doses sa cold storage facility.
Samantala, asahan din umano ang pagdating ng COVID-19 vaccines na AstraZeneca sa mga susunod na araw.