Nagbabala ang Pagasa ng patuloy na pagbuhos ng ulan dahil sa habagat at dalawang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, apektado ng habagat ang mga Central at Southern Luzon, Western Visayas at ilang parte ng Mindanao.

Namataan naman ang isang LPA sa layong 895 km silangan hilagang silangan Basco, Batanes.

Habang ang ikalawang LPA ay namataan naman sa layong 280 km kanluran ng Iba, Zambales.