CENTRAL MINDANAO – Dalawa ktao ang nasawi nang makuryente sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang unang biktima na si Christopher Baro, 36, may asawa at residente ng Bukidnon City.

Aksidenteng nasagi ng boom truck ang live wire ng Cotabato Electric Cooperative sa Brgy Manubuan, Matalam, North Cotabato at nakuryente ang biktima.

Ikalawang biktima ay nakilalang si Jordan Razon Dilaso, 35, may asawa at nakatira sa Purok Bromiliad, Barangay Poblacion, Matalam, Cotabato.

Inaayos umano ng biktima ang microphone ng isang videoke machine nang makuryente ito.

Kapwa naisugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit hindi na sila umabot ng buhay.