Reading Time: 1 minute

Patay ang dalawang hinihinalang gun runner matapos manlaban sa mga kapulisan sa Santa Maria, Bulacan nitong Martes ng madaling araw.

Sinabi ni Pol. Lt. Col. Charile Cabranilla, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Camanava, nagpanggap ang isang pulis nila na bibili ng baril sa mga suspek.

Unang nagkasundo sa Valenzuela City magkaabutan ng baril subalit inilipat ito sa Bulacan.

Pagdating sa lugar ay nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya agad nila itong pinaputukan.

Mabilis na nakaganti ang mga kapulisan na nagresulta sa pagkamatay sa ng dalawang suspek.

Naaresto rin ang isang suspek na nakasakay sa kabilang sasakyan.

Bukod aniya sa pagbebenta ng baril ay nagbebenta rin umano ang mga suspek ng iligal na droga.