-- Advertisements --

Arestado ang dalawang dating empleyado ng WellMed Dialysis Center na tumayong whistle blowers sa mga ghost claims nila sa Phlihealth.

Isinilbi ng mga kapulisan sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City ay naaresto sina Liezel Aileen de Leon at Edwin Roberto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Metropolitan Trial Court (MTC).

May kasong estafa, falsification of public employee o notary of ecclesiastic minister at falsification by private individual and use of falsified documents.

Inirekomenda ng korte ang piyansang P612,000 para sa pansamantalang kalayaan ng dalawa.

Magugunitang noong Hunyo ay kinasuhan ng Department of Justice sina De Leon, Roberto at co-owner ng Wellmed na si Bryan Sy dahil sa maanomalyang dialysis claims.