Patay ang isang pulis at dalawang drug suspek sa naganap na engkuwentro matapos ang anti-drug operations sa Antipolo City, Martes ng gabi.

Napatay ang target ng operasyon na sina alyas Echay at alyas Laon.

Hindi naman nakaligtas matapos mabaril ng mga suspek ang pulis na kasama sa anti-drug operations na kinilalang si Patrolman Ariel Dapyawen.

Pumanaw sa pagamutan si Dapyawen habang nagpapagaling ang kasamahan nitong si Police Staff Sgt. Joseph Monjardin na tinamaan sa tiyan.

Nakuha sa mga suspek isang kalibre .38 na baril at ilang plastic sachet na naglalaman ng droga.