COTABATO CITY – Dalawang drug dealer ang nalambat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) sa anti-illegal drugs operation sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga suspek na sina Miko Kamsa, 32, at Badrodin Sally, 33, parehong mga driver na taga-Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nahuli ang mga suspek matapos mabilhan ng shabu ng isang nagpanggap na undercover agent sa drug buy bust operation.

Nakuha sa mga suspek ang 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng abot sa P340,000.

Katuwang ng PDEA-12 sa nasabing operasyon ang PDEA BARMM, PDEA-13, Pigcawayan PNP at 34th IB ng Philippine Army.

Nahaharap naman ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.