Todo ngayon ang paglilinaw ni Health Sec. Francisco Duque III sa dalawang personalidad na patients under investigation (PUI) na kalaunan ay namatay dahil umano sa Novel Coronavirus.

Ayon kay Duque, ang unang namatay sa San Lazaro Hospital at HIV-AIDS ang ikinamatay at hindi ito namatay dahil sa coronavirus.

Ang pangalawang pasyente namang namatay ay mayroong pulmonary fibrosis o lung disease na sahin ng kanyang kamatayan.

Kaya naman, isa pa lamang umano ang namatay na maikokonsiderang nadapuan ng coronavirus dito sa bansa.

Samantala, handang-handa na bukas ang Department of Health (DoH) para sa isasagawang repatriation sa mga Pinoy mula sa China na dadalhin sa Athletes Village sa New Clark City sa Pampanga.

-- Advertisement --

Asahang dadating ang 46 na overseas Filipino workers (OFWs) bukas ng madaling araw at agad silang isasailalim sa 14 day quarantine sa Capas, Tarlac.