CAUAYAN CITY- Patay ang dalawang contsruction worker sa banggaan ng motorsiklo at trucksa barangay road na nasasakupan ng San Miguel, Luna, Isabela.

Ang mga namatay ay ang tsuper ng Honda wave 110 na si Christian Cloyd Lopez, 33 anyos, binata at ang kanyang angkas na si Roderick Aquino, 34 anyos, may asawa, kapwa construction worker at residente ng Barangay Centro 2, Luna, Isabela.

Ang isa pang sangkot ay ang Foton Tornado truck na minaneho ni Reymund Collado 21 anyos, binata at residente ng District 1, Benito Soliven.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Luna Police Station na binabagtas ng motorsiklo ang nasabing lansangan patungong timog na direksiyon.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay umagaw umano ng linya ang motorsiklo kung kayat nakabanggaan nito ang kasalubong na truck.

Dead on the spot ang tsuper ng motorsiklo habang dinala pa sa pagamutan ang angkas nito subalit idineklara ring dead on arrival.

Hindi naman nasaktan ang mga sakay ng naturang truck sa nasabing aksidente.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na Luna Police Station ang tsuper ng truck at ang mga sangkot na sasakyan para sa kaukulang disposisyon.