-- Advertisements --
pnp

Na-rescue ng PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) ang isang Taiwanese national na biktima ng pagdukot sa Paranaque at dinala ang biktima sa Imus, Cavite.

Ayon sa PNP-AKG, ang biktima ay kinilalang si Chen Ten Shau habang ang mga suspek na Chinese ay sina Lu Cheng at Xi Long Hui.

Lumalabas na kinikikilan ng dalawang Chinese na suspek si Shau ng P9 million para makalaya.

Sinasaktan din daw ng mga suspek ang biktia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art. 267 ng Revised Penal Code (RPC) o ang Kidnapping for Ransom with Serious Illegal Detention.