Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese nationals na wanted sa Beijing, China dahil sa paglabag sa cyber crime law sa kanilang bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang dalawang banyaga ay kinilalang si Hong Webin, 34 at Li Cheng, 36.

Naaresto ang mga ito sa condominium unit sa Mandaluyong City ng BI fugitive search unit (FSU).

Una rito, nag-isyu raw si Morente ng mission order para sa ikaaaresto ng ng Chinese nationals matapos silang makatanggap ng impormasyon mula sa Chinese embassy sa Manila na pinaghahanap ang dalawa ng mga otoridad sa China dahil sa pagpapakalat ng obscene materials gamit ang internet at sumasali rin sa mga iligal na propaganda.

Sa ngayon, nakaditine na ang dalawa sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

-- Advertisement --