-- Advertisements --

Kinumpirma ng medical regulator ng United Kingdom na dalawa sa mga unang indibidwal na nakatanggap ng COVID-19 vaccine mula Pfizer ang nakaranas ng allergic reaction matapos mabakunahan.

Dahil dito ay bumabalangkas na ng panibagong guidance ang bansa para sa mga tao na may history ng allergic reaction sa mga gamot.

Inanunsyo in ng Medicines and Healthcare Products Regulatory Agency na may ikatlong pasyente pa na posibleng nakaranas din ng allergic reaction.

Sa ngayon ay hindi pa makumpirma ng mga eksperto kung saan allergic ang mga ito o kung saan nanggaling ang mga pasyente, subalit dalawa sa mga nakaranas ng anaphylaxis ang may bitbit na adrenaline autoinjectors para sa kanilang nararamdaman.

Ayon sa mga doktor, posible raw kasi na nakuha ng mga ito ang allergy mula sa mga inactive indredients na ginagamit para ma-preserve ang bakuna.

Magsasagawa naman ng pagpupulong ang Food and Drug Administration (FDA) para talakayin ang naturang paksa