-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Matapos nagpositibo at nakarekober sa Coronavirus Disease (COVID) ang isang alkalde sa bayan ng Sarangani, pinapatutukan naman ang dalawang barangay kapitan na nahawaan ng nasabing virus.

Ito’y matapos kinumpirma ni Municipal Administrator Anecito Lopez ng Maasim, Sarangani, na nasa isolation facility na ang isa sa kapitan habang ang isa ay nasa pagamutan pa nitong lungsod.

Ayon kay Lopez, nagkahawaan umano ang dalawang kapitan matapos nagkasama sa isang pagtitipon.

Nabatid na may 10 pang positibo sa COVID ang nasabing bayan at karamihan sa kanila ay mga “asymptomatic” subalit mahigpit na minomonitor ng municipal Health office.

Ang bayan ng Maasim sa probinsya ang may pinakamaraming naitalang namatay sa coronavirus mula nang nahawaan at tuluyang bawian ng buhay ang checker ng isang fishing company na pumupunta ng Fishport complex nitong lungsod.