BAGUIO CITY – Nasawi ang dalawang binata habang nasugatan ang limang katao pagkatapos maibangga ang sinakyan nilang FX sa isang nakaparadang closed van sa Taloy Sur Proper, Marcos Highway, Tuba, Benguet.

Nakilala ang mga nasawi na sina Melber Caligtan, 32 anyos at Kevin Fermin, 25 anyos, kapwa binata, magsasaka at residente ng Taloy Sur, Tuba, Benguet.

Sugatan naman sa aksidente sina Komatso Malaari, driver ng sasakyan, 31-anyos; Cedrick Pili Dapyawen, 22 anyos; Vincent Banao Pacas, 23-anyos; Orlando Bayusa Fermin, 47 anyos at Kerwin Bayda, 23-anyos.

Batay sa imbestigasiyon, binabaybay ng FX ang pababa at kurbadang bahagi ng Marcos Highway nang aksidente bumangga ito sa closed van na nakaparada sa kalsada.

Nagresulta ito sa pagkasira ng malaking bahagi ng FX at pagkasugat ng mga pasahero nito.

-- Advertisement --

Naisugod ang mga biktima sa Baguio General Hospital and Medical Center ngunit naideklarang patay na sina Melber Caligtan at Kevin Fermin.

Patuloy namang ginagamot ang limang nasugatan.