BAGUIO CITY – Nagpatiwakal ang dalawang babaeng miyembro ng religious sect na Shincheonji Church sa South Korea.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Roel Toquero na isang overseas Filipino worker (OFW) sa Gimpo, South Korea, sinabi niyang nagpakamatay ang dalawang babae sa pamamagitan ng magkahiwalay na insidente ng pagtalon ng mga ito mula sa kanilang tinitirhang apartment.

Aniya, ito ay posibleng resulta ng karahasang nararanasan ng dalawang babae mula sa kani-kanilang mga asawa dahil sa pakikisama nila sa nasabing sektra.

Itinuturo ang nasabing sekta na pinagmulan ng pagkalat ng COVID-19 sa South Korea.