-- Advertisements --

Nakatakdang i-export o iluwas ang nasa $2 billion na halaga ng langis ng Venezuela patungong Amerika.

Ito ay matapos magkasundo na ang US at Venezuela para sa naturang usapin.

Itinuturing naman ni US President Donald Trump ang naturang kasunduan bilang isang flagship negotiation para ma-divert ang mga suplay ng langis mula sa China habang makakatulong naman aniya ito sa Venezuela para maiwasan ang mas matindi pang tapyas sa produksiyon ng langis.

Kung mababatid, ang Venezuela ay mayroong milyun-milyong bariles ng langis na nasa mga tanker at nakaimbak sa mga tangke na hindi magawang maibiyahe dahil sa pagharang sa exports na ipinatupad ni Trump simula pa noong kalagitnaan ng buwan ng Disyembre.

Ang naturang blockade ay parte ng tumitinding pressure ng US sa gobyerno ni Venezuelan President Nicolas Maduro na nagresulta sa pagkakadakip niya noong nakalipas na linggo.

Sa isang post, sinabi ni Trump na ititurn-over ng Venezuela ang nasa pagitan ng 30 million at 50 million bariles ng sanctioned oil sa US.

Ibebenta aniya ang naturang mga langis sa Market price nito, at ang perang malilikom mula dito ay kokontrolin ng US President para masigurong magagamit ito sa benepisyo ng mamamayan ng Venezuela at ng Amerika.

Ayon kay Trump, si US Energy Secretary Christ Wright, ang nakatoka sa pagpapatupad ng kasunduan at ang langis ay ibibiyahe ng mga barko direkta patungo sa mga daungan ng Amerika.