CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ng PDEA Region-10 operatives ang dalawang anak lalaki ng provincial jail warden ng Misamis Oriental nitong umaga.

Kinilala ni PDEA agent X ang mga suspek na sina Gregor at Bon Clint Tagarda, nakatira sa Gummamela Extension, Barangay Carmen sa Cagayan de Oro City.

Inihayag ni agent X na matagal nang na-monitor ng PDEA ang iligal na gawain ng magkapatid hanggang sa maisagawa nila ang operasyon gamit ang search warrants ng korte ngayong araw.

Dagdag pa ng mga otoridad, mayroon ng inisyal na nakuha mula sa posisyon ni Gregor na sachets ng suspected shabu at ilang drug paraphernalia.

Sinaksihan naman ni provincial jail warden Dominador Boy Tagarda ang pagsaliksik ng taga-PDEA sa mismong mga kuwarto ng kanyang mga anak habang pinaghahanap ang umano’y mga droga.

Natuklasan na dating mga empleyado ng city hall at provincial capitol ang dalawang mga suspek na inaresto ng PDEA-10.