DAVAO CITY – Nasa kustodiya ngayon ng Bunawan PNP ang sinasabing dalawang miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG) matapos mahuli sa isinagawang operasyon ng kapulisan sa Upper Tibungco sa lungsod ng Davao.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nagmula pa ang dalawang suspek sa Davao del Norte at pumasok umano sa Davao sakay sa iyang sasakyang pandagat.

Napag-alaman na isa sa mga suspek ay wanted dahil sa kasong frustrated murder.

Nakuha mula sa kanilang posisyon ang mga eksplosibo at armas.

Sinasabing na-monitor ng otoridad ang mga suspek dahilan kaya agad na isinagawa ang operasyon laban sa mga ito.