-- Advertisements --
signing
IMAGE (L-R): Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, Vaccine czar Sec. Carlito Galvez, and AstraZeneca country Pres. Lotis Ramin signing the agreement for vaccine procurement/Screengrab

Higit 2.5-milyong dose ng bakuna laban sa COVID-19 ang tiyak na matatanggap ng Pilipinas sa susunod na taon matapos lumagda ng kasunduan ang gobyerno at pribadong sektor sa kompanyang AstraZeneca.

Kalahati ang mapupunta sa pamahalaan, na siyang ibaba sa mga frontliners. Ang matitirang kalahati naman ay ibabahagi sa pribadong sektor, na target din ipamahagi sa kanilang mga empleyado.

“Just in case may mauna (dumating) na bakuna ng AstraZeneca next year, talagang uunahin yung frontliners na health workers, then after that we will deploy that geographically.”

“Yung essential workers sa business sector includes transportation, food production, utility, mga farmers, tellers at mga nasa pinaka-mahihirap na area.”

Sa loob ng apat na linggo, nagawa raw makalikom ng P600-million na donasyon ng inisyatibo sa pamamagitan ng partnership ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa business sector.

Inuulan ngayon ng kwestyon ang bakunang gawa ng AstraZeneca dahil inamin ng kompanya na nagkamali sila sa pagbibigay ng dose sa ginawang clinical trial.

Kalahating dose lang kasi ng bakuna ang naibigay nila sa unang bahagi ng pag-aaral. Pero magandang resulta naman daw agad ang ipinamalas nito na umabot sa 90% effectivity, nang ibigay ang buong dose matapos ang isang buwan.

“Most vaccines, flu vaccines and other vaccines are anywhere 60 to 70% (effective) and I’ve told (by) FDA that the limit is 50% so both are quite acceptable, and I think its a matter of time. These are scientists, they know what to do,” ani Sec. Concepcion.

Naniniwala ang Department of Science and Technology (DOST) na hindi makaka-apekto sa effectivity ng nasabing bakuna ang umano’y errors o pagkakamali sa ginawang clinical trials ng AstraZeneca.

Pero hihintayin pa rin daw nila ang mga dokumentong ipapasa ng kompanya para makita kung pwede nga itong gamitin sa mga Pilipino.

Kinumpirma ng DOST na kasama na ring ine-evaluate ng Vaccine Expert Panel ang AstraZeneca matapos mag-apply sa clinical trials.

Pero nilinaw ng mga opisyal na hindi makaka-apekto sa proseso ng regulasyon ang maaga ng commitment ng bansa sa kompanya.

“We have five vaccines that will have clinical trials in the Philippines, and one of them is AstraZeneca. All of them will undergo Vaccine Expert evaluation and also they will have a process seeking the emergency use regulation on FDA,” ani Galvez.

“All of the vaccines that we will be procuring and roll out next year, will undergo the necessary stringent measures that we have.”

Ayon kay Vaccine czar Sec. Carlito Galvez, 25-milyong Pilipino kada taon ang target bakunahan ng pamahalaan sa mga susunod na taon sa ilalim ng binuo nilang stratehiya.

Nilinaw naman ni Dr. Jaime Montoya, ang executive director ng Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), hindi lang naman nakasandal sa pribadong sektor ang pamahalaan pagdating sa usapin ng bakuna.

“Initial (purchase) lang ito, in the next few days, we expect to sign those funded by the government and maybe the private sector also,” ani Montoya.

Bukod sa bakuna ng AstraZeneca, may inaasahan din ang Pilipinas mula sa sinalihang COVAX Facility.