BAGUIO CITY – Nakiisa ang Department of Agriculture (DA)-Cordillera sa pagdiriwang ng kauna-unahang World Food Safety Day nitong Biyernes.

Ang nasabing okasyon ay ginanap matapos itong lagdaan sa 73rd session ng United Nations General Assembly sa New York City noong Dec. 20, 2018.

Ayon sa DA-Cordillera, sa pamamagitan ng pagdiriwang ng World Food Safety Day ay napag-usapan at naayos ang mga problema ng mga konsumer at producers tungkol sa mga pagkain.

Kasabay ng pagdiriwang ng World Food Safety Day ay nagsagawa ang DA-Cordillera ng food safety exhibit sa Baguio City.

Naging tema ng aktibidad ang “Assuring food safety in the food chain is fundamental to healthy living.”