Kinumpirma ng isang opisyal ng Turkish Aerospace Inc. (TAI) na ang unang batch ng anim na T129B helicopters na binili ng Pilipinas mula sa bansang Turkey ay nakatakdang i-deliver na sa bansa.
Nagkaroon kasi ng aberya kaya hindi naideliver sa scheduled date.
Sinabi ni Temel Kotil, general manager ng TAI, na ang unang dalawang T129Bs attack helicopters ay idi deliver ngayong araw, Sabado.
Una ng sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na dapat nuong Disyembre ng 2021 ang skedyul ng unang delivery.
Habang ang 2nd batch ay ideliver sa 2023 at ang ikatlong batch ay sa 2024.
Ayon sa PAF sa sandaling ma-commissioned sa serbisyo ang mga bagong helicopters , ma-assigned ito sa 15th Strike Wing ng Philippine Air Force.
Matatandaan July 2020, ng pirmahan ng Department of National Defense (DND) ang contract sa pagbili ng anim na bagong T129B helicopters.
Ang anim na attack helicopters ay nagkakahalaga ng P13.7 billion, sa pamamagitan ng government-to-government deal sa Turkish ministry of defense.
Ang T129B ay isang Turkish derivative na Italian-designed Agusta Westland A129 Mangusta, equipped ito ng Turkish-developed systems and weapons.