Nasa 19 na indibidwal ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa nangyaring major highway accident sa Mexico City na kumukunekta sa central city ng Puebla.
Batay sa report nangyari ang aksidente bandang tanghali matapos bumangga ang isang transport truck sa mga nakahilerang mga sasakyan sa isang tool booth sa highway.
Ilan sa mga sasakyan ay nasunog dahil sa impact.
“When crossing the toll booth, the truck dragged six vehicles, causing the death of 19 people and 3 injured. Among the deceased is the driver,” pahayag ng federal highway authority, CAPUFE.
Kaagad naman isinugod sa hospital ang mga sugatan.
kasalukuyang sarado muna ang nasabing highway habang nagpapatuloy ang clearing para matanggal ang mga sasakyan na nasangkot sa aksidente.
Ang 110-kilometer (68-mile) highway ang siyang ginagamit ng mga cargo trucks.
Sa isang panayam, sinabi ni Adrián Díaz Chávez, deputy director ng fire department, nawalan ng brake ang nasabing truck na nag ta transport ng glue.