-- Advertisements --

Nagsagawa ng malawakang kilos protesta ang ilang residente ng Israel.

Nanawagan ang mga ito ng pagtatapos na ng giyera sa Gaza at ang pagkakaroon ng kasunduan para tuluyan ng mapalaya ang mga bihag ng Hamas.

Ilang mga protesters na rin ang naaresto ng mga kapulisan sa Israel kung saan gumamit pa sila ng water cannons para mabuwag ang mga nagsasagawa ng protesta.

Dahil sa malawakang kilos protesta ay isinara ang operasyon ng maraming paaralan, negosyo at transportasyon.

May dala ang mga protesters na malaking watawat ng Israel kung saan nakalagay ang larawan ng mga bihag.

Aabot na sa halos 62,000 na mga Palestinians ang nasawi dahil labanan ng Israel at Hamas.