-- Advertisements --

Pumalo na sa 19 ang naitalang nasawi at 21 ang nawawala matapos hagupitin ng bagyong Bualoi ang Vietnam noong Lunes, September 29.

Dahil sa dalang malakas na pag ulan na nag sanhi ng mga pagbaha at landslides sa hilagang parte ng Vietnam itinuring na ang Bualoi na ang pinakamalakas na bagyong dumaan sa bansa ngayong taon.

Ayon sa Vietnam government may naitala din na hindi bababa sa 88 katao ang nasugatan, higit kumulang 100,000 naman na bahay ang nag tamo ng mga minor damaged at tinatayang 10,000 ektarya ng palayan at sakahan ang lubog parin sa baha.

Batay sa ulat ng Vietnam weather agency lumagpas na sa 300mm ang tubig sa ilang bahagi ng bansa, at ibinabala ang malalakas na pag-ulan, malakas na hangin at pagkidlat bunsod ng masungit na panhon.

“Landslides and flash floods are likely to happen in several areas in the next six hours” pahayag ng ahensya.

Sa kasalukuyan baha parin sa hilagang parte ng bansa kung saan sarado parin ang ilang kalsada at putol parin ang suplay ng kuryente sa lugar.