CAGAYAN DE ORO CITY – Nababahala ang City Health Office na madagdagan pa ang bilang ng mga tao na posibleng na expose sa 21-anyos na unang positibo ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Barangay Lumbia ng Cagayan de Oro City.
Ito ay matapos kinumpirma ni CHO epidemiologist Dr Joselito Retuya na nasa 181 katao na ang kinunan ng swab test dahil sa direkta na contact ng pasyente.
Inihayag ni Retuya na sa nasabing bilang, nasa 91 rito ay lahat health workers na kinabilangan ng mga doktor at nurses ng Northern Mindanao Medical Center at 40 na nagmula naman sa pribadong ospital na nilipatan ng pasyente bago ang final surgery.
Minomonitor din ng health workers ang nasa 35 na local rescue group members na unang nag-responde ng vehicular accident na kinasangkutan ng bitkima noong Abril 2020 at 15 na pawang miyembro ng pamilya nito.
Sa ngayon ang pasyente ay tinatrato na “heavily guarded” umano ng NMMC health workers dahil maselan ang kalagayan nito.