-- Advertisements --

Nahaharap sa kaso ang 18 dating manlalaro ng NBA dahil sa pamemeke ng kanilang health and welfare benefit plan.

Ayon sa US District Court sa Manhattan, New York na nakatanggap ang mga manlalaro ng nasa $3.9-million na reimbursement sa medical at dental procedure na hindi naman talaga isinagawa.

Naging kasabwat daw nila ang isang Terrence Williams na nakakatanggap ng kickbacks ng $230,000.

Inaalok kasi ni Williams ang mga manlalaro ng pekeng invoices kapalit ng kickbacks para makakuha ng mga pekeng medical letters.

Ilan sa mga kinasuhan ay sina NBA All-Defensive Team Tony Allen, Boston Celtics player Glen Davis at assistant coach ng Portland Trail Blazers na si Milt Palacio.

Kasama rin sin sina Alan Anderson, Shannon Brown, Will Bynum, Melvin Ely, Jamario Moon, Darius Miles, Ruben Patterson, Eddie Robinson, Greg Smith, C.J. Watson, Antoine Wright at ang asawa ni Allen na si Desiree.